Media Contact: Sarah Bryce, (424) 362-9462
Bruce Mirken, Media Relations, Greenlining Institute, (415) 846-7758
ROSEMEAD, Calif., June 27, 2017 — Ipinahayag ngayong araw ng Southern California Edison (SCE), isang nangunguna sa pagpapaunlad ng industriya ng enerhiya na sumanib ang SCE at ang The Greenlining Institute, isang grupo sa California na nagbubuo at nagtatanggol ng patakaran, na naglalayon na mapabuti ang karapatan ng kapaligiran at lipunan, upang makabuo ng mga kalutasan para sa malinis na hangin at magaling na klima.
Malaking hakbang ang itong samahan sa tuwirang pagsusumikap sa maaabot na malinis na enerhiya, kalidad ng hangin at mga problemang dulot ng pag-iba ng klima sa Southern California. Pahuhusayin ng Greenlining ang makakatulung na pag-uusap sa pagitan ng SCE at mga samahan na nagsisilbi sa mga pamayanan na mababa ang kita na higit na napipinsala ng mga napapakawalan sa hangin at ibang mga impluwensiya ng kapaligiran.
Sama-sama, maaaring bumuo at magsuporta ang mga kasabwat ng mga patakaran at programa para sa state at lokal upang mapabuti ang kalidad ng hangin para sa mga pamayanang mahina ang pangangatawan at mabigyan sila ng puhunan para magdala ng teknolohiyang malinis na enerhiya, trabaho sa “green” (di-nakakapinsala sa kapaligiran) industrya at pagsasanay sa trabaho.
“Magka-akibat ang malinis na hangin at magandang klima at upang mapabuti ang kalidad ng lokal na hangin at matugunan ang mga gustong gawin ng state sa greenhouse gas (usog na nagpapainit ng kapaligiran) bago sumapit ang 2030, mahalagang magkaroon ang lahat ng mga taga-California, saanman naninirahan o anuman ang kita, ng pagkakataong lumahok sa rebolusyon sa paggamit ng malinis na enerhiya, at makinabang dito,” ika ni Ron Nichols, presidente ng SCE. “Kabilang dito ang paggamit ng mga de-kuryenteng sasakyan, mahusay na paggamit ng enerhiya, ipinamahaging renewable energy (napapanibagong enerhya) at pagsasanay sa trabaho para sa mga trabaho sa industriya ng malinis na enerhiya. Ang aming pakikipagtulungan sa The Greenlining Institute ay isa sa maraming mga paraan na pinakikinggan namin ang sabi ng aming mga customer tungkol sa mga pinakamahusay na paraan ng paghatid ng clean energy technology sa lahat ng tao. ”
Sabi ni Orson Aguilar, ang presidente ng The Greenlining Institute, “Ang pakikisosyo sa SCE — upang maipakita ang mga hadlang sa paggamit ng maraming tao ng mga de-kuryenteng sasakyan at matingnan ang maaaring mapagkunan ng pera upang mabigyan ang mga pamayanang desbentaha ng paraang makakumuha ng renewable energy (napapanibagong enerhiya) — ay nangangahulugang nagtagumpay kaming ilantad ang mga problema ng karapatan ng kapaligiran, at sama-sama maaari tayong makipagtulungan sa lahat ng antas ng mga may-kapangyarihan upang makabuo ng mga mahuhusay na programa at patakaran upang mapaunlad ang lahat.”
Dumalo noong June 8 ang higit sa 20 samahan ng mga pamayanan ang unang tuwirang pulong ng mga gustong lumahok na ini-sponsor ng SCE at Greenlining. Itinalakay ng grupo ang mahahalagang bagay at ang mga benepisyo ng pagdisenyo ng mga proyektong solar ng mga pamayanan, kabilang ang pag-aari ng pamayanan, pagsasanay sa trabaho, edukasyon at kaalaman.
Nailunsad na ng SCE ang maraming mga programang magpapabilis sa paglawak ng paggamit ng clean energy technology na magpapababa ng mga greenhouse gas emission at polusyon sa hangin. Noong nakaraang January, nagsumite ang SCE sa California Public Utilities Commission (CPUC) ng malaking plano para sa pagpapalawak ng paggamit ng de-kuryenteng sasakyan sa lugar na sineserbisyo nito. Kasang-ayon sa matagal nang papel ng SCE sa pagsuporta sa mga de-kuryenteng sasakyan upang mabawasan ang polusyon sa hangin at mabawasan ang carbon na nadadagdag sa kapaligiran, nilalayon ng plano na gawing de-kuryente ang mas maraming kotse, bus, trak na medium- at heavy-duty at pang-industriyang mga sasakyan at kasangkapan. Inilunsad ng SCE kamakailan ang Clean Fuel Rewards Program, na nagbibigay ng mga rebate (tawad) sa halagang $450 sa mga SCE customer na bumili ng bago o gamit na EV (de-kuryenteng sasakyan).
Nagsusumikap din ang SCE na pabilisin ang paglawak ng mahusay na paggamit ng enerhiya at paggamit ng renewable energy sa pamamagitan ng pagbigay ng mga programang awtorizado ng CPUC sa mga customer na karapat-dapat batay sa kita — Solar for Affordable Housing (SASH), Solar for Multifamily Housing (MASH) at ang Energy Savings Assistance Program, na nagtutulong sa mga pamamahay na kwalipikado batay sa kita na gumamit ng mas kaunting enerhiya at bawasan ang kanilang mga gastos sa enerhiya.
Tungkol sa Southern California Edison
Isang kompanya ng Edison International (NYSE:EIX), ang Southern California Edison ay isa sa pinakamalaking mga electric utility (palingkurang-bayan ng kuryente) ng bayan, na nagsisilbi sa populasyon ng humigit kumulang 15 milyon sa pamamagitan ng 5 milyong customer account sa lugar na sineserbisyo na 50,000 square milya sa loob ng Central, Coastal at Southern California.
###