Sa San Jacinto kung saan nakatira si Maria Gonzalez, tumataas ang init sa mga buwan ng mahabang summer, kaya't nagiging pangangailangan sa panahon ang air condition. Ngunit, maaaring magastos ang pagpapatakbo ng air condition nang ilang oras sa komunidad na desert at patataasin ang kwenta pangkuryente.
"Isang summer, nagkaroon ako ng talagang mataas na kwenta, at kasama ng mga ibang kwenta pang-utility [palingkuran-bayan], talagang nahirapan akong bayaran lahat ito," ika ni Gonzalez, isang retiree na nakatalaga ang kita.
Sinabihan siya ng mga kaibigan sa simbahan tungkol sa California Alternate Rates for Energy (CARE) isang program na nagkakaloob sa mga customer ng SCE na karapat-dapat batay sa kita ng discount na halos 30 percent ng mga buwanang kwenta pangkuryente.
Humiling si Gonzalez at naging karapat-dapat. Ngayon, may kaluwagan siya mula sa init at sa kanyang kwenta pangkuryente.
"Talagang grasya na kalahok sa CARE program at ginawa ng mga discount na mas naaayos ang mga kwenta, lalo na sa mga panahon sa taon na pinakamaiinit," ika niya. "Talagang handog ito para sa mga senior."
Isa pang progam pantulong na pinagkakaloob ng SCE sa mga customer na karapat-dapat batay sa kita, Family Electric Rate Assistance (FERA), ay nagkakaloob ng discount na 12 percent sa mga buwanang kwenta pangkuryente sa mga karapat-dapat na sambahayan nang tatlo o higit pa.
Tinutulungan ng kapwa CARE at FERA ang mga customer na karapat-dapat na patagalin ang kanilang mga dollar upang maayos nilang mas maige ang kanilang mga gastos pang-utility sa pamamagitan ng mga discount sa singil, lalo na iyon mga mababa ang kita o kalahok sa kahit man lamang isa sa 10ng program ng abuloy mula sa pamahalaan.
Tinatantsang 1.2 million na customer ng SCE ang naka-enroll sa mga program ng CARE at FERA. At nangangahulugan ang mga pagbabago nang kamakailan sa mga panuntunan sa kita na maaaring maging karapat-dapat sa mga program ang mas maraming customer ng SCE.
"Gusto ng SCE na tulungan ang mga customer at na maaabot ang mga CARE/FERA program na pangkarapat-dapat batay sa kita upang matulungan ang mga karapat-dapat na customer na bawasan ang kanilang pagagamit ng kuryente at buwanang singil," ika ni Mark Wallenrod, director ng Program Operations for SCE [nagpapalakad ng mga program sa sce]. “At papayagan ng mga pagbabago nang kamakailan sa mga panuntunan sa kita na silbihan ng SCE ang mas marami pang customer na karapat-dapat para sa mga program na ito."
Higit pa sa CARE, gawi din ni Gonzalez ang pagatitipid ng energy sa tulong ng mga punong nagsisilong sa kanyang bakuran. Sinasara din niya ang mga bintana at mga blind upang panatilihin malamig ang loob na kayang tirahan, at gumagamit ng mga fan upang palibutin ang malamig na hangin sa loob, kaya't naiiwasang pinapatakbo ang air condition nang matagalan.
Ngunit, bilang kalahok sa CARE, hindi nag-aalala si Gonzalez kapag kanyang pinapatakbo ang kanyang air condition.
"Talagang nakakatulong ang program," ika niya. "Kung hindi ko patakbuhin ang air condition nang 24/7, nagiging mas mababa ang aking kwenta at mas madaling bayaran. Mas madaling hulaan din kaya hindi ako lumalabis sa aking budget."
Upang alamin ang higit pa tungkol sa CARE/FERA at ang mga bagong panuntunan sa kita, dalawin ang sce.com/billhelp o tawagan ang 1-800-655-4555.
Sa summer na ito, pinapayo din ng SCE sa mga customers na maagap nilang gawin ang pagtipid ng energy.
- Bawasan ang inyong paggamit ng energy sa mga maiinit na araw sa summer sa pagitan ng 2-6 p kung kailan pinakamataas ang pangangailan.
- Itakda ang mga thermostat na huwag mas mababa sa 78 degree kapag maiinit.
- Isara ang mga kurtina at blind upang pigilin ang tuwirang sinag ng araw sa mga maiinit na panahon.
- Gamitin ang mga gaya ng dishwasher at clothes dryer sa mga panahon sa umaga o takip-silim.
Upang alamin ang higit pang paraan na magtipid ng energy at bawasan ang inyong kwenta ngayong summer na ito, dalawin ang sce.com/coolsavings.