Alam na alam ni “Paula” ang mga agresibong taktika na ginagamit ng mga scammer upang makapagnakaw mula sa mga customer ng Southern California Edison.

“May isang customer na nakatanggap ng tawag tungkol sa kanyang smart meter at sinabi sa kanya na maaaring pagmulan ito ng sunog at mamamatay siya at ang kanyang pamilya kapag hindi nila pinalitan ang metro,” ayon sa tagasuri ng nesgosyo kasama sa SCE Information Governance [pangasiwaan ng impormasyon] na humiling na huwag gamitin ang kanyang tunay na pangalan.

Kasangkot sa pinaka  karaniwang scam na gamit ang telepono ang pagtawag sa mga customer, kung saan may magsisinungaling  at sasabihing mula sila sa SCE at magbabantang puputulin ang kanilang serbisyo maliban kung agad-agad silang magbabayad sa pamamagitan ng isang prepaid card. Ang isa pang pandaraya sa caller ID ay kung saan makikita sa telepono ng isang customer ang huwad na impormasyon upang lokohin sila at isiping may totoong taga-SCE na tumawag subalit hindi totoo.

Noong nakaraang taon, gumastos ang mga customer ng SCE sa mga scam ng halos $500,000. Gayunpaman, sa kabila ng pinakamatitinding pagsusumikap ng SCE na palawakin ang kabatiran ng lahat, patuloy na nagiging biktima ang mga walang kamalay-malay na customer ng mga nagpapatuloy na panlilinlang.

Si Paula, na kumikilos gamit ang mga nakolektang impormasyon mula sa mga kinatawan ng Customer Call Center, ay ginagamit ang buong araw sa pagtunton sa mga tawag na scam sa SCE at tinatawagan ang mga nagpapanggap sa telepono. Ang kanyang tanging layunin: putulin ang kanilang mga huwad na numero ng telepono at tigilin ang kanilang gawain.

Sa loob ng limang buwan, matagumpay niyang naputol ang higit pa sa 630 numero ng telepono na ginamit ng mga scammer na pantawag sa mga customer ng SCE. Sa isang magandang araw, napuputol ni Paula ng 10 hanggang 15 numero ng telepono.

“Ikinagagalak ko ang masugpo ang mga kriminal na ito sa pagnanakaw mula sa ating mga customer hangga’t kaya ko,” ang kanyang sinabi.

Sinabi ni Kari Gardner, senior manager ng SCE para sa Consumer Affairs, na mahalaga para sa mga customer na manatiling mapagbantay, turuan ang kanilang mga sarili at ang iba pa na kilalanin ang mga hudyat na nagbabadya ng isang panloloko.

“Edukasyon ang pinakamahalaga sa pagpangangalaga sa iyong sarili,” sabi ni Gardner. “Napakahalaga na magkaroon kayo ng kabatiran kung makakatanggap kayo ng mga hindi inaasahang tawag mula sa mga tao na humihingi ng perang pambayad.”

Nakikipagtulungan ang SCE sa ilang mga magkakaanib na grocery at mga tindahang bukas magdamag na nagtitinda ng mga prepaid card upang maturuan ang mga kahera at mga empleyado na bantayang mabuti ang mga panloloko.

Sa pamamagitan ng social media — Facebook at Twitter — ang SCE ay nagpapadala ng mga alerto, at tumatawag naman si Paula sa mga opisyal na tagapagpatupad ng batas sa  mga lunsod at komunidad na pinupuntirya ng mga scammer.

“Malawakan ang ginagawang pagtuturo at isang magandang gawain ito,” sabi niya.

Mga Tip [payo] upang  Maiwasan ang Maging Isang Biktima ng sa Teleponong Utility

  • Hindi kailanman hihingi ang SCE ng agad-agad na bayad nang may pagbabantang puputulin ang serbisyo.
  • Hindi tumatanggap ang SCE ng mga prepaid card bilang pambayad sa mga sinisingil nito.
  • Hindi kailanman hihingin ng SCE sa telepono ang tungkol sa inyong credit card o sa inyong account sa SCE.
  • Walang Disconnection Department (kagawaran pampagputol) ang SCE.
  • Hindi naniningil sa mga customer ang SCE  para sa pagpapalit o pag-update ng mga smart meter o ng iba pang mga kagamitang pag-aari ng SCE.
  • Mag-ingat sa mga hindi inaasahang tawag kung saan hihingin ng tumatawag ang impormasyon tungkol sa sinisingil sa inyo at tungkol sa iba pa ninyong personal na data. Huwag kailanman tawagan ang numerong ibibigay sa inyo.
  • Upang matingnan ang sinisingil sa inyo at/o ang impormasyon tungkol sa inyong account, tawagan ang numero ng SCE na nasa inyong bill o bisitahin ang sce.com.
  • Maging mapaghinala sa mga paulit-ulit na tawag sa maghapon at lumalampas pa sa mga karaniwang oras ng trabaho.
  • Mag-ingat sa mga tumatawag na nagrerekomenda na bumili ng mga produktong makapagpapabuti sa tahanan at makakabawas sa gastos ninyo sa enerhiya o sinusubukang kumbinsihin kayo na bumili ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya.

Kung nagdududa kayo sa isang gawaing panloloko, mag-hang-up at iulat ito sa inyong lokal na pulisya at sa SCE sa 1-800-655-4555.

Alamin ang marami pang paraan upang manatiling ligtas at pangangalagaan ang inyong sarili laban sa mga scam: on.sce.com/ScamAlert