Ang mga manlilinlang sa bayarin ng kuryente ay muling nagpupuntirya sa mga customer sa buong America sa pamamagitan ng telepono at paminsan ay kahit sa e-mail. Sa parehong sitwasyon, ang mga mandaraya ay madalas na humihingi ng personal na impormasyon at nananakot na puputulin ang elektrisidad kapag hindi nila matatanggap ang agarang pagbabayad.
May ilang customer ng Southern California Edison (SCE) ang nagsumbong na tumanggap sila ng kahina-hinalang email na tila naniningil. Nagsumbong ng iba ng agresibong pandaraya sa telepono na nagbabanta ng agarang pagpuputol ng serbisyo kung hindi magbayad ang customer ng bayaring di-umano’y lagpas sa takdang petsa.
"Ang SCE ay hindi kailanman gumagamit ng mga taktikang labis na pamumuwersa sa pagsingil sa mga bayaring lagpas sa takdang petsa," sinabi ni Marlyn Denter, ang tagapamahala ng SCE Consumer Affairs (Kapakanan ng Mamimili). "Hindi namin gawaing magbanta sa aming mga customer nang agarang pagpuputol ng serbisyo."
Ang pinakabagong panlinlang sa email ay kasunod ng kamakailang panloloko sa telepono kung saan higit 2,000 customer ng SCE ang pinuntirya. Sa kasamaang palad, higit 300 na customer ang naging biktima sa panloloko, marami sa kanila ay mga mom at pop na may-ari ng negosyo at mga negosyanteng hindi Ingles ang unang wika.
Madalas hinihingi ng mga manlilinlang ang agarang pagbabayad sa pamamagitan ng prepaid na cash card o debit card. Ang humigit-kumulang na pinsala sa mga customer ng SCE sa nakaraang taon ay nasa pagitan ng $800 at $1000; ang mga residensyal na customer ay nawalan ng humigit-kumulang $300 at $500. Sa pangkalahatan, ang kabuuang nawala sa mga SCE customer ay tinatantiya sa $225,000.
“Hinihiling namin sa aming mga customer na maging alerto sa mga pandarayang ito na humihingi ng agarang pagbabayad at nananakot ng pagpuputol ng serbisyo," ayon kay Denter.
Kapag nakatanggap ang mga customer ng SCE ng kahina-hinalang email, hindi nila dapat i-click ang anumang link o kalakip, at hindi kailanman dapat tumugon sa e-mail. Dapat din na burahin ng mga customer ang nasabing e-mail. Kapag naging biktima ang isang customer, maaari silang magsumbong sa pamamagitan ng online sa U.S. Department of Justice’s Financial Fraud Enforcement Task Force (Task Force sa Pagpapatupad Laban sa Pinansiyal na Pandaraya ng Kagawaran ng Katarungan ng US) sa StopFraud.gov.
Ang mga customer ng SCE na nakatatanggap ng nakahihinalang tawag ay dapat magtanong ng pangalan ng tumatawag, kagawaran at numero ng telepono sa upisina. Kung ang tumatawag ay tumangging magbigay ng impormasyong ito, dapat itigil ng mga customer ang tawag at agad isumbong ang pangyayari sa lokal na pulisya.
Sa alinmang sitwasyon, ang mga customer ay dapat makipag-ugnayan sa SCE sa 800-655-4555.