May Oras pa upang Mag-apply sa $1.2 Milyong Edison Scholars Program

December 29, 2015

Media Contact: Susan Cox, (626) 302-2255    

ROSEMEAD, Calif., Disyembre 21, 2015 — Mayroon pang sapat na oras upang mag-apply sa $1.2 milyong Edison Scholars Program ng Edison International ang mga high school seniors na humahangad na maging inhinyero at may planong mag-aral ng agham, teknolohiya, pag-iinhinyero o matematika (STEM) sa kolehiyo.

Pebrero 1 ang deadline.

Bawat taon, nagbibigay ang Edison International, ang punong kompanya ng Southern California Edison (SCE), sa 30 estudyante sa mga mataas na paaralan sa teritoryong sineserbisyo ng SCE ng scholarship sa halagang $40,000 na binabayaran sa apat na taon. Simula noong 2006, nakapagbigay na ang Edison International ng mga scholarship sa halagang $5.3 milyon sa 520 na mga estudyante.

“Masidhing hinihikayat namin na mag-apply para sa Edison Scholarship ang mga high school seniors na naninirahan sa service area ng SCE na magpapatuloy sa pag-aaral ng STEM sa kolehiyo” pahayag ni Tammy Tumbling, SCE’s director ng Philanthropy and Community Investment.  “Alam namin na mataas ang mga gastos sa pag-aaral ng STEM at siyang nagiging hadlang sa may mga estudyanteng hindi sapat na napaglilinkuran at mababa ang kita. Kaya namimigay kami ng 30 na scholarship – upang makatulong sa mas nakakaraming estudyante na gustong abutin ang kanilang mga pangarap.”

Ang mga aplikante ay dapat may GPA na 3.0 o mas mataas pa at naninirahan sa service area ng SCE o pumapasok sa pampubliko o pampribadong high school sa SCE service area. Kailangan magpakita ang mga high school senior ng pangangailangang pananalapi at nagpaplano na maging full-time undergraduate na estudyante na nagme-major sa electrical engineering, mechanical engineering, civil engineering, computer engineering, industrial engineering, computer sciences/info system, environmental engineering o environmental sciences sa isang programang magtatagal ng apat na taon sa isang kolehiyo o unibersidad.

Lalong inaanyayahang mag-apply ang mga estudyanteng nanggagaling sa mga pamayanan na hindi sapat na napaglilinkuran at mga etnikong minorya

Upang mag-apply at makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga kwalipikasyon, inaanyayahan ang mga estudyanteng tumungo sa: scholarsapply.org/edisonscholars.

Ibabalita sa Abril ang mga tatanggap ng scholarship. Maaring mabigyan ang mga Edison Scholars ng summer internship sa SCE pagkatapos makumpleto ang pangalawang taon sa kolehiyo. 

Ang suporta ng Edison International ng mga pagkakawanggawa tulad ng Edison Scholars Program ay tanging pinoponduhan ng mga Edison International shareholder. Hindi nagpopondo ang mga ibinabayad ng mga customer ng SCE para sa kanilang koryente sa mga inaambag ng kompanya. Dagdag dito, hindi maaaring mag-apply ang mga dependent ng mga empleyado ng Edison International sa Edison Scholars Program.

Topics: People